'Tao Po': Lassy natulog noon sa comedy bar dahil sa napikon na audience

'Tao Po': Lassy natulog noon sa comedy bar dahil sa napikon na audience

HomeABS-CBN News'Tao Po': Lassy natulog noon sa comedy bar dahil sa napikon na audience
'Tao Po': Lassy natulog noon sa comedy bar dahil sa napikon na audience
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Reginald Marquez sa totoong buhay ang pangalan ng komedyante na si Lassy. Ang kapwa komedyante niyang si Chokoleit ang nagbinyag sa kanya ng pangalan habang nagtatrabaho sa comedy bar.

Kwento ni Lassy, wala sa plano ang pagpasok niya sa industriya.

“Nagwo-work ako before sa publishing company… and then gumimik lang kami ng mga magkakaopisina, sumampa ako ng stage, nakipagchikahan, okrayan. Tapos sabi ng manager, ‘Mukhang pwede ‘tong baklang to.’ So pinasok na rin ako sa comedy bar.”

Sa higit dalawang dekada sa komedya, ibinahagi ni komedyante ang kanyang obserbasyon sa larangan ng stand-up comedy.

“Mahirap na ngayon. Noon kasi parang kahit ano, pwede, kahit ano pwedeng joke, okay lang. Pero ngayon kasi iba, may mga tao na may puna sa mga bibitawan mo. Kailangan isipin mo muna, baka may masaktan ka.”

Minsan na nga siyang nalagay sa peligro dahil sa kanyang jokes.

“May nabiro ako, isa sa comedy bar, tawa nang tawa ‘yung mga kasama niya super tawa as in. Ang saya saya tapos hindi ko alam napipikon na siya. Nilapitan ako ng manager ko sa comedy bar, huwag ka munang lumabas, inaabangan ka sa labas, galit na galit. So, hindi ako nakauwi. Totoo nga ‘yung sinasabi ko, sige abangan niyo ako sa labas hindi kayo magtatagumpay, dito ako matutulog. Nag-aabang talaga kaya nagpaumaga ako. Hanggang sa umalis siya. “

Mula comedy bars, nabigyan din si Lassy ng break sa telebisyon at pelikula.

Nagbunga naman ang kaliwa’t kanang kayod ni Lassy. Ngayon ay nagpapatayo na rin siya ng dalawang palapag na dream home.

Sa nalalapit na paglipat ng pamilya Marquez sa kanilang bagong bahay, tanging hangad ni Lassy ay mapuno ito ng happiness at ang kanyang family ay laging blessed.

Ulat ni Jeff Caparas para sa programang Tao Po. (April 28, 2024)

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.