My Puhunan: Kakaibang French toast at milkshakes, patok sa social media

My Puhunan: Kakaibang French toast at milkshakes, patok sa social media

HomeABS-CBN NewsMy Puhunan: Kakaibang French toast at milkshakes, patok sa social media
My Puhunan: Kakaibang French toast at milkshakes, patok sa social media
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Kaakibat ng negosyo ang pagbabago. Patok ang iyong produkto kapag ito ay may kakaibang pakulo. Dito humugot ng inspirasyon ang millennial couple na sina Patty Marabut at Emil Ongchuan.

Parehong nagtapos ng kursong Engineering sina Patty at Emil. Bagamat magkasintahan pa lamang, nagdesisyon silang magtayo ng sarili nilang negosyo. Ang ordinaryong French toast at milkshake, binigyan ng kakaibang twist.

“Dati favorite namin talaga from the beginning was French toast. Parang nakita namin sa restaurant na walang French toast, parang kaunti lang ang French toast varieties. So, sabi namin what if gagawa tayo ng kakaibang concept na revolves around French toast.” kuwento ni Emil kay Karen Davila sa My Puhunan.

Bawat produkto, kapansin-pansin na pinag-isipang mabuti ang disenyo.

Halimbawa na rito ang kauna-unahan nilang milkshake na nilagyan ng caramel popcorn, caramel syrup at pinatungan ng cotton candy sa ibabaw.

Mistulang birthday cake in a cup naman ang porma ng milkshake nila na may halong coffee-flavored kahlua.

Mayroon namang crushed crackers at marshmallow ang isa nilang milkshake na tiyak na nakakabusog.

‘Crispy on the outside, soft in the inside’ naman ang kanilang ipinagmamalaking French toast. Maaari itong lagyan ng chocolate, milk chocolate o ‘di kaya’y caramel gamit ang isang injection.

Dahil sa kakaibang presentation, naging patok ang kanilang negosyo lalo na sa millenials.

Bukod pa rito, mas nakilala ang kanilang masasarap na pagkain dahil sa mga ‘influencers’, mga indibidwal na may libu-libong followers sa social media na nagpopost ng larawan ng kanilang produkto.

Mula sa maliit na puwesto sa isang food park, sinubukan nilang magtayo sa malls. Sa ngayon ay may dalawa na silang branches.

Dahil mahigpit ang kumpetisyon sa merkado, patuloy pa rin silang nagde-develop ng iba’t ibang uri ng produkto para patuloy silang tangkilikin ng masa.

Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch the full episodes of My Puhunan on TFC.TV
http://bit.ly/MYPUHUNAN-TFCTV
and on iWant for Philippine viewers, click:
http://bit.ly/MyPuhunan-iWant

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews

#MyPuhunan

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.