It’s Showtime September 17, 2024 | Full Episode

It’s Showtime September 17, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime September 17, 2024 | Full Episode
It’s Showtime September 17, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Kung puso mo’y masaya, tumawa ka. Pero kung may nararamdamang sakit dahil hindi ka pinili at ika’y feeling sawi, ‘Showtime’ family na ang papawi sa hapdi.

Mahalin muna ang sarili at ibalik ang ngiti. ‘Yan ang tema ng bagong kanta ni Ely Buendia. Pakinggang ang “Bulaklak sa Buwan”, tapos sarili mo muna ang ipaglaban!

Laban na laban din si Ely pagdating sa asaran at biruan. Uy, napanood ng former “Eraserheads” vocalist ang “kalokalike” niya sa Showtime! Hirit ng hosts, siguro ‘pag busy si Ely, pwedeng si ‘kalokalike’ ang maging proxy.

Sina AC Soriano at Nikki Morena, on a mission para maghanap ng random madlang people na masuwerteng magkakapera. Aariba ang luck sa “Throwbox.”

Mula sa Barangay Wawa, Taguig, 10 madlang people ang dinala sa studio para maglaro. Merong estudyante at dating OFW, pati na call center agent, aspiring pulis, balloon decorator, at mga raketero’t raketera. Pero ang nakakuha ng lucky box na may picture ni Jhong Hilario ay ang breadwinner na si Wiji.

Mag-e-enjoy na, matututo pa tayo sa mga throwback questions mula sa iba’t ibang era at kategorya. May tanong tungkol sa Miss Universe 2018, kay Kobie Bryant, kay Princess Diana, at sa nagdaang pandemya. Ano’ng throwback dance craze naman kaya ang ituturo ni Vhong Navarro?

Pinabilib ni Wiji ang Madlang People sa pagsagot niya sa mga throwback questions. Tumaas naman ang tensyon sa final round kung saan isang tanong mula sa Super Box ang babago sa kanyang kapalaran. Ang tanong: Ano ang buong pangalan ng ating first National Artist? Naibigay ni Wiji ang tamang sagot (Fernando Amorsolo), kaya nadoble ang kan’yang premyo!

Dalawang mag-aaral ang nagpakita ng husay sa singing. Golden mikropono ay aangkinin! Balikan ang nakakamanghang laban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Shy man kung titingnan, pero sa kantahan ay palaban si Jasmine Dioquino ng Escuela De Nuestra Señora De La Salette. “This Is My Now,” birit niya sa entablado, at pinatunayan na panahon na nga niya ito para mas ipamalas ang talento.

Kundiman style kung ilarawan ni hurado Marco Sison ang pagkanta ni Philippine Advent College student Jay Mart Otom ng OPM classic na “Kapalaran.” Siya ang nakakuha ng mas mataas na grado mula sa mga hurado.

Nag-enjoy naman si Vice Ganda at iba pang hosts na kilalanin ang dalawang contenders. Napag-usapan ang pagsasaka na hanapbuhay ng pamilya ni Jay Mart, pati na rin ang mga pinagkakaabalahan ni Jasmine. Pero sa gitna ng kwentuhan, si Karylle, biglang nilayuan ng mga kasama. Panoorin ang video at kayo na ang humusga sa joke ni Binibining Kurba!

#LikeShowtime
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.