It’s Showtime May 24, 2024 Full Episode

It’s Showtime May 24, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime May 24, 2024 Full Episode
It’s Showtime May 24, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Flashback Friday muna tayo, madlang people! Ano’ng nami-miss n’yo from your past? For sure mas mapapa-throwback kayo sa pagbisita ni Bobot Mortiz sa studio.

At dahil present ang ‘Tatay’ ng Goin’ Bulilit, si Kim Chiu, napabanat ng joke na malupit. Ngee! Speaking of “Goin’ Bulilit,’ excited din si Direk Bobot na makilala ang “Showtime” kids na mapapabilang sa comeback ng iconic kiddie gag show.

Heto pa! Birthday ngayon ni Darren Espanto! Dahil d’yan, isang maligayang bati at group hug para sa ‘bestie’ ng bayan!

I-extend ang saya sa “Karaokids” kasama sina Argus, Kulot, Jaze, at Kelsey! Syempre, gagalingan din ng “Showtime” family. Mukhang mas nahahasa ang “Showtime” hosts pagdating sa hulaan. Huwag lang malito sa lyrics na magkakatunog o maniwala sa kalaban. Kailangan lang din ng kaunting diskarte. ‘Pag hindi na-gets sa lyrics, baka sa steps ng sayaw makuha ang clue. At sa sobrang higpit ng laban, hindi maiwasan ang bardagulan!

Ang niloko at nanloko, muling nagharap sa “EXpecially For You.” Dahil sa galing ni Rex sa dance floor, si Sophia, hindi napigilang ma-fall. Pero hindi n’ya inakala na ang lalaking minahal nang lubusan, paulit-ulit s’yang sasaktan.

Si Rex, parang bula, biglang nawawala ‘pag nagseselos. Block. Unblock. Repeat. ‘Yun pala, may mga ‘side chicks’ na isinisingit. Wait, there’s more! Pagkatapos ng dalawang buwan na walang paramdam, sinubukan n’yang bumalik kay Sophia na parang normal lang ang lahat. ‘Zombieing’ na malala ang ganap!

Muling nagpasiklaban ang mga estudyanteng pangmalakasan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Present si Chelsea Cabarrubias ng Science and Technology Education Center na kumanta ng “The House of the Rising Sun.” Mula naman sa Subangdaku Technical Vocational School-Cebu, si Aika Mae Castro na umawit ng “One Moment In Time.”

Hindi rin nagpahuli si Albert Mantong ng Don Sergio Osmena Sr. Memorial National High School na napili ang “Larawang Kupas” bilang piyesa. OPM hit

din ang baon ni Jed Onoya ng Camarines Sur Polytechnic Colleges na nagpabilib sa performance niya ng “Makita Kang Muli.”

Insightful ang mga komento nina ‘hurado’ Nyoy Volante, Ogie Alcasid, at Klarisse de Guzman. Si Meme Vice Ganda, naaliw sa komento ni ‘hurado’ Nyoy. May naisip tuloy siya na magandang challenge para kay Darren sa nalalapit na concert nito. Kakasa kaya si Darren?

Sa huli, si Aika Mae ang nakakuha ng pinakamataas na grado na 93.7% at siya rin ang pasok sa ‘midterms’ o semi-finals na magsisimula bukas.

#ItsShowtime
#ShowtimePasadoAngGV
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.