It’s Showtime June 7, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 7, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 7, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 7, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Ang aming panalangin sa araw na ‘to, more biyaya at good vibes ang dumating sa inyo, madlang people! Si Erik Santos, may bagong kanta tungkol sa answered prayers. Ano ba ang ipinagdarasal n’ya sa araw-araw?

Ang “Showtime” family, mukhang nasa mood magpalitan ng papuri. Meron silang hirit tungkol sa pagiging ‘pogi’ ni Ogie Alcasid. Uy, si Kuys Ogie, nag-blush! Tama na ang mga nega hanash! Ngiti ka na at gawing exciting ang FUNanghalian kasama ang “Showtime” family!

Inspirasyon at happiness ang hatid ni MC sa kanyang Random Act of Kindness. Nakilala n’ya ang ilan sa masisipag na nagtutulak ng trolley sa riles. Bilang reward sa pagsisikap nila sa buhay, ang “Showtime” family, may blessing na ibibigay.

Tuloy-tuloy naman ang cool-it moments sa “Karaokids” with our all-girls squad – Imogen, Enicka, and Kelsey. Na-intimidate ang “Showtime” hosts sa tandem nina Ryan Bang at Erik. Pero hindi pa rin umubra ang kanilang pagsasanib-pwersa. May nakakatuwang comment tuloy si Ryan tungkol sa kapares n’ya.

Nagkaroon pa ng bahagyang pagtatalo nang sina Jhong Hilario at Karylle, umapela tungkol sa sagot ni Ryan. Mga competitive yarn? Sina Jugs Jugueta at MC, akala siguro pababaan ng score ang laban. Sa huli, sina Karylle at Cianne Dominguez ang umabante sa jackpot round.

Magkaibigan, iisang lalaki ang naging ex-boyfriend! Sino nga ba ang mas nauna, at sino ang mas minahal? Alamin ang kwento nina Shayne at Vanessa sa “EXpecially For You.”

Paglilinaw nila, walang third party o agawan na nangyari sa pagitan nila. Si Shayne ang unang niligawan ni ‘ex-bf’ na may anger management at cheating issues. Matapos magpatawad nang paulit-ulit, si Shayne, napagod at sumuko. Pagkalipas lamang ng isang buwan, si Vanessa naman ang pinormahan ni ‘kuya’, na kalaunan ay nakipaghiwalay dahil umano sa differences ng lifestyle nila.

Ang love, hindi lang sa romantic partner nararamdaman. Pwede rin naman itong matagpuan sa kaibigan na alam mong hindi ka lolokohin at iiwan.

Malayo ang pinanggalingan ng mga batang mag-aaral na lumaban sa “Tawag Ng Tanghalan.” Old soul ang datingan ni Marben Noble, Jr. Ng Camalig National High School na umawit ng “Doon Lang.” Inspirasyon n’ya ang kanyang lolo sa pakikipagsapalaran sa entablado

Lumuwas din para sa pangarap si Nathanie Jade Estrera ng Visayas State University na kumanta ng “Banal Na Aso Santong Kabayo.” Lalaban s’ya para ibandera ang kanyang pamantasan. Siya rin ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie, Erik, at Marco Sison. Pasok na siya sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

#ItsShowtime
#JuneTayoSaShowtime
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.