It’s Showtime June 27, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 27, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 27, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 27, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Hindi pa tapos ang Pride Month, madlang people! Ang /”Tawag Ng Tanghalan/” alums na sina Anton, Raven, at Saga, nag-collab sa isang anthem na handog sa LGBTQIA community. Ang kanta nilang /”Bilang/” ay isinulat ni Boy Abunda.

Natuwa ang ‘Showtime’ family, lalo na si Vice Ganda, na ginamit nina Anton, Raven, at Saga ang kanilang mga tinig upang magbigay ng suporta at pagmamahal para sa LGBTQIA community.

The competition is real sa Karaokids! Sa ngalan ng puntos, hindi madadaan sa friendship ang ‘Showtime’ hosts. Panoorin na lang ang naging labanan nina Jhong Hilario at Ion Perez, Ogie Alcasid at Jackie Gonzaga, Vice Ganda at MC, Vhong Navarro at Darren Espanto, at Cianne Dominguez at Lassy.

Forte talaga ni Darren ang Gen-Z hits. Pero hindi magpapahuli ang mga ‘seniors’ niya. Kahit pa magkabuhol-buhol ang dila, lalaban sila. Si Ion, naging defensive — kung ang Koreano na si Ryan Bang ay laging napagbibigyan, maging considerate rin sana sa accent niyang Kapampangan. Aliw!

Teka, guess-sing lang ‘to, ‘di ba? Bakit may dance tutorial na? Samantala, si Meme Vice, nagbiro na ‘mabigat’ kakampi si MC. Ah, basta, para kina Cianne at Lassy, okay lang ‘di manalo basta fresh at pretty silang dalawa. Periodt.

Ihanda ang puso sa isang madamdaming kwentuhan sa EXpecially For You. Kilalanin si Cheng, na sa edad na 13 ay na-in love sa kanyang kababata. Dahil maagang naulila, 15 years old lang siya nang magpasyang makipag-live in sa nobyo. Nahanap niya ang aruga ng isang pamilya sa ina at mga kuya ng ex n’yang si Russell.

Ang kanilang mga batang puso, buo ang paniniwala na sila hanggang dulo. Pero naging malupit ang tadhana kay Cheng. Dahil ang OTL niya na si Russell, binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest.

Maaaring wala na ang lalaking pareho nilang minahal, pero nananatiling anak at ina ang turingan nina Cheng at Mommy Viviana. Kaya si Mommy, tutulungan si Cheng na makilala ang ‘searchee’ na deserving.

Malupit na ang mga tinig, kahanga-hanga pa ang pagiging pursigido ng mga estudyanteng sumabak sa entablado. Catch up na sa latest bardagulan ng mga boses na palaban sa Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.

Present for today’s video si Dan Tambio ng Mataas Na Paaralan Ng Juan C. Laya na umawit ng /”Muling Buksan Ang Puso.” Nakaharap niya si Kristoffer Mimay ng Gallanosa National High School na kumanta ng /”Ang Hirap Maging Mahirap.”

Ang madlang people nagkagulo dahil sa isang poging hurado! Everyone, Ogie Alcasid! Biro ni Vice, si Ogie na ang papantay sa kasikatan ng BINI, pero tatawagin siyang ‘MINI.’ Aliw ka talaga, Meme!

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.