It’s Showtime June 19, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 19, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 19, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 19, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
I-add to cart ang happiness at “It’s Showtime” na ang bahalang mag-ship n’yan sa inyo. May freebies pa na tawanan at kantahan!

Paki-receive na ang unang delivery n’yo for today: isang all-out performance from Bailey May. Masaya ang PBB housemate-turned-international talent sa muli n’yang pagbabalik sa ‘Showtime.’ Ano ba ang latest kay Bailey? Nood na para maki-update tungkol sa buhay ng Fil-Brit hottie!

Bumisita rin sina Dominic Ochoa at Jeffrey Hidalgo para maghatid ng good news sa inyo.

‘Pag “Showing Bulilit” ang palabas, siguradong energy level n’yo ay tataas! Napa- ‘aww’ ang lahat dahil sa nostalgia na hatid nina Argus, Kulot, Jaze at Kelsey sa isang eksena. May kilig, drama, at action naman sa iba pa.

Give your best mga cuties para makahula ang ‘Showtime’ family at maka-ipon ng malaking papremyo para sa random kuyas at ates. Si Kuys Vhong Navarro, may hangover pa sa maling sagot n’ya kahapon. Pati si Ogie Alcasid ay hindi pa maka-move on. Focus lang mga bhie, tulad ng ginawa nina Jugs Jugueta at MC na masyadong ginalingan hanggang jackpot round.

Ang relasyon, ‘pag hinaluan ng kasinungalingan, asahan mong magwawakas sa mapait na paalam. Ayos lang kay Chelle kung may ibang kaibigan si Ian. Kahit ‘gay friends’ ng nobyo ay welcome sa kanya. Pero hindi niya kayang tanggapin ang mga pagsisinungaling ni Ian tungkol sa tunay na koneksyon nila ng isa niyang gay friend.

Inilihim kasi ni Ian na tumatanggap siya ng mga materyal na regalo – mula sapatos hanggang motor at pera – sa kaibigan n’yang bakla. Sinubukan naman n’yang putulin ang kanilang friendship for Chelle’s sake. But it was too late. Alam na rin ni Ian na masyado n’yang nasaktan ang nobya, dahilan para s’ya na ang mag-initiate ng breakup nila.

Alamin ang buong kwento sa “EXpecially For You.”

Mga mag-aaral na mahuhusay sa singing ang maghahatid sa inyo ng inspirasyon at entertainment sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Bitbit ni Kriza Ann Ablir ng Bais City National High School ang kanyang golden tinig at malalaking pangarap na hindi mayayanig. Sa pagkanta n’ya ng “MacArthur Park,” ika’y bibilib. Hindi pwedeng hindi mo magustuhan ang tagos-pusong pag-awit ni University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue student Hyacinth Granaderos ng “Hindi Tayo Pwede.”

Extended ang ‘Father’s Day’ celebration sa TNT dahil sa touching moment nina Kriza at Hyacinth with their loving and supportive daddies.

Matapos ang laban, si Kriza Ann ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Darren Espanto, Kyla, at Louie Ocampo. Siya ang pasok sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

#ItsShowtime
#ShowtimeRizz
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.