It’s Showtime June 15, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 15, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 15, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 15, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Ang ‘Showtime,’ saludo sa mga tatay na ang puso at buhay ay sa pamilya iniaalay. Mga haligi ng tahanan, kayo’y labis naming hinahangaan. At bilang regalo para sa espesyal na araw n’yo, sina ‘hurado’ Dingdong Avanzado, Marco Sison, at Louie Ocampo, kasama sina Teddy Corpuz at Jhong Hilario, may hinandang ‘Father’s Day’ harana para sa inyo.

Another occasion to be celebrated, ang birthday ng ‘oppa’ natin! Maligayang Kaarawan, Ryan Bang! Wish namin para sa’yo ang endless na kaligayahan.

Sa “EXpecially For You”, isang ama ang humarap sa madlang people upang ibahagi ang tamis at pait ng kanyang naging buhay may-asawa. Totoo nga na sa pag-ibig, walang kasiguraduhan. Dahil minsan, ang taong mahigit isang dekada mong minahal at inalagaan, hindi pa pala ang ‘the one.’

Katulad ng isang tipikal na pamilya, humarap sa maraming pagsubok at saya si Daddy Michael at ex-wife n’ya. Akala n’ya ayos lang ang lahat, hanggang ang relasyon nila’y biglang inalat. Si ‘ex-wife,’ binalikan ni ‘first love’ at mas pinili ito kesa kay Daddy Michael at sa dalawa nilang anak.

But time and love heal all wounds, ‘ika nga. Present sa audience ang dati n’yang asawa at ang lalaking ipinalit sa kanya. Pero sa halip na magpakalunod sa bitterness, mas pinili ni Michael ang forgiveness. Kasama ang kanyang beloved daughter, ready na siyang kumilatis ng searchees na pwede n’yang maging ‘forever.’

Muling nagningning ang entablado para sa mga estudyanteng may natatanging talento. Tunghayan ang ‘prelims’ o weekly finals sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nagbabalik ang pambato ng Central Mindanao University na si Ruelagin Tandog. Pagkanta n’ya ng “Ikot-Ikot,” talagang pasabog. “And I Am Telling You I’m Not Going,” kanta ni Juary Khate Sabith ng SJDM Cornerstone College. Na-fall naman ang lahat sa pagkanta ni Jebros Maglinte ng Silliman University ng “Falling.”

Si Anthony Martinez ng Pangasinan State University, pinahanga ang madlang people sa kanyang bersyon ng “Pagbigyang Muli.” Hindi naman nagpakabog si Nayela Nocquiao ng University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue na nagpamalas ng talento gamit ang piyesang “Note To God.”

For the first time sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” dalawang kalahok ang nakakuha ng parehong pinakamataas na scores sa ‘prelims’. Nag-tie sina Jebros at Nayela. Pasok na sila sa susunod na ‘Midterms’ round.

#ItsShowtime
#TayShowtimeNa
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.