It’s Showtime June 12, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 12, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 12, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 12, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Ngayong Independence Day, palayain ang sarili sa lungkot at i-celebrate ang good vibes kasama ang “It’s Showtime.” Isang ‘HOTaw’ performance ang hatid nina Coleen Garcia at Kapuso star Faye Lorenzo.

Kung kailangan mo ng something inspiring, panoorin ang pamimigay ni Cianne Dominguez ng blessing. Si Ate Charies, isa sa mga natulungan ni Cianne sa Ramdom Act of Kindness, doble ang happiness dahil natupad na ang pangarap n’yang makapunta sa “Showtime” studio at makita si Vice Ganda.

Samantala, all-out acting naman ang ibinigay nina Argus, Kulot, Jaze at Kelsey sa “Showing Bulilit.” Hindi kumpleto ang hulaan kung walang bardagulan. Pero ingat lang sa jokes na binibitawan, baka ang kakampi mo pa ang tamaan, ‘di ba, ‘Ate Girl’ Jackie Gonzaga? Si Kim Chiu naman, pabirong nag-sorry sa BFF na si Angelica Panganiban matapos magkamali sa title ng pelikula ni Angge.

Ang muse at escort ng klase, naging magkasintahan. Pero ang kanilang pagmamahalan, hindi na nag-move up at nauwi lamang sa hiwalayan. Alamin ang kwento nina Toneth at Gabbo sa “EXpecially For You.”

Minsan ka rin bang naging taga-gawa ng assignment ni crush o ‘jowa’? Uy, siguradong relate ka sa experience ni Toneth. Wala naman s’yang reklamo. Para sa kanya, acts of service lang ang mga ito. Pero si Gabbo, naawa kay Toneth. Pakiramdam niya ay naging utusan na lang n’ya ang dating nobya, dahilan para makipag-break siya.

Ngayon ay graduate na si Toneth sa pagiging ‘sad girl.’ Ready na siyang makipag-date at magkaroon ng mga bagong kakilala. Malay natin, isa sa tatlong searchees ang nakatakda na makasama n’ya forever.

Magniningning na parang bituin ang mga estudyanteng palaban sa singing. Present sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” ang pambato ng Tugbok National High School na si Yshara Cepeda. Mala-anghel n’yang boses, binigyang-kulay ang awitin na “Dito Ka Lang.”

Sumabak din sa ‘tanghalan’ si Silliman University student Jebros Maglinte. Sa pagkanta n’ya ng “Mercy” sa entablado, kuhang-kuha n’ya ang papuri ng mga hurado. Matapos ang laban sa kantahan, si Jebros ang nakakuha ng mas

mataas na grado mula kina Erik Santos, Klarisse de Guzman, at Nyoy Volante. Pasok na siya sa ‘prelims’ o weekly finals sa Sabado.

#ItsShowtime
#ShowtimeMalayangMagpasaya
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.