It’s Showtime June 11, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 11, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 11, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 11, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
“Kakaibang Tuesday” ang hatid ng It’s Showtime sa ating ngayong araw, June 11, dahil umpisa palang ay pinakitaan na agad tayo ng pangmalakasang performance nina “Popstar Royalty” Sarah Geronimo at “International RnB Sensation” Billy Crawford ng kanilang first-ever collaboration project na pinamagatang “MY MIND”.

Bukod sa nasabing single, ibinahagi rin ng dalawa ang kani-kaniyang projects at next collab na dapat nating abangan. Bilang dalawa sa ating Pinoy Pride sa larangan ng musika, hinimok din nila ang lahat na patuloy na mahalin at suportahan ang musikang sariling atin, o ang original Pilipino music.

Malugod ding pinaunlakan ni Billy ang request ng hosts na sayawin nila ni Jhong ang dalawa sa dance hits na madalas niyang sayawin kasama si Vhong Navarro noong siya ay host pa ng noontime program.

Patuloy na nakisaya si Billy sa kanyang dating co-hosts sa pamamagitan ng pagsali sa “Karaokids” segment.

Ang mga pares ng players na nagtulungan sa paghula ng mga kanta para sa araw na ito ay sina Ryan Bang at Darren Espanto, MC Muah at Karylle, Billy Crawford at Lassy, Cianne Dominguez and Jugs Jugueta, at Jhong Hilario at Teddy Corpuz. Sina Amy Perez at Jackie Gonzaga naman ang mga naging host, samantalang ang cute karaokids na sina Argus, Jaze, Briseis, at Kulot naman ang mga nagpahula.

Dahil sila ang unang naka-score ng 2 points, ang tandem nina Jhong at Teddy ang umusad sa jackpot round, kung saan nakuha nila ang grand prize na P50,000 matapos na mahulaan ang lahat ng tatlong kanta sa tulong ng madlang people. Si Cianne ang nabunot na mamahagi ng kanilang napanalunan sa madlang food cart vendors.

Strangers to best friends to lovers to exes naman ang naging takbo ng love story ng tampok na ex-couple at searchers na sina Dale at Red, kapwa galing sa Pampanga, sa “Expecially For You”. Ang dalawang taong pag-iibigan nilang nagsimula sa palitan ng mensahe matapos magtanong ni Red kay Dale tungkol sa mga binebenta niyang aso ay natuldukan matapos na makipaghiwalay ni Dale kay Red dahil sa kanyang personal problems at naramdaman din niyang tila napapagod na o nawawalan na ng gana si Red sa kanilang relasyon.

Dahil sa kanilang impressive na mga kasagutan sa bawat tanong ni Dale, ang tatlong searchees for the day na sina Trish, 22-year-old beauty queen ng Bulacan; Iah, 20-year-old singer at musician ng Cainta; at Alwina, 19-year-old psychology student ng Angono ay nakakuha ng tig-iisang green flag. Sa bandang huli, tila nakaimpluwensya ang opinyon ng kanyang ex na si Red sa kanyang pagde-desisyon sapagkat pinili rin ni Dale si Trish na maka-date.

Samantala, tinanghal naman na daily winner ng Tawag ng Tanghalan: The School Showdown sa araw na ito ang pambato ng Cornerstone College, Inc – San Jose del Monte, Bulacan na si Juary.

Natamo niya ang higit na mataas na markang 94% mula kina hurado Yeng Constantino, Klarisse de Guzman, at Louie Ocampo dahil sa powerful rendition niya ng “Dreamgirls” OST na “One Night Only”. Ang katunggali naman niya na si Jelyssa mula sa De La Salle – Lipa sa Batangas ay nakakuha ng 89% para sa kanyang performance ng “Narito Ako” ni Regine Velasquez-Alcasid. Nakatanggap si Juary ng cash prize na P10,000 at babalik sa darating na Sabado para sa preliminary round ng kompetisyon.

#ItsShowtime
#ShowtimeChill
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.