It’s Showtime June 1, 2024 Full Episode

It’s Showtime June 1, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime June 1, 2024 Full Episode
It’s Showtime June 1, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Happy weekend, madlang people! Gusto ng “Showtime” family na good vibes ang sumalubong sa inyo ngayong unang araw ng Hunyo. Kaya i-welcome ang bagong buwan with positivity and happiness tulad ng ipinakita ni ‘Kuys’ Jhong Hilario sa kanyang Random Act of Kindness.

Ituloy-tuloy na natin ang kasiyahan sa “Karaokids” with Kulot, Imogen, Jaze at Kelsey. Ang magkakapares for today’s game: Jugs Jugueta at Cianne Dominguez, Jhong at Jackie Gonzaga, Eris Aragoza at Ryan Bang, Teddy Corpuz at Kim Chiu, at Karylle at Ion Perez.

Mabilis na tinapos nina Jugs at Cianne ang laban. At hanggang sa jackpot round, talaga namang ginalingan. Kaya ang madlang people, may 35, 000 pesos na paghahatian.

She’s always been the fiancée, but never the bride. Tatlong beses nag-‘yes’ sa marriage proposal na hindi natuloy sa kasal. ‘Yan ang kwento ng ating “EXpecially For You” guest na si Diana.

Unang siyang na-engage kay “Because Of You” singer Keith Martin at meron silang isang anak. Pero dumating na lang sa punto na ang relationship nila’y hindi na nag-work kaya ang planong pagpapakasal ay na-call off.

History repeats itself, ‘ika nga. Dahil si Diana, muling na-in love at niyayang magpakasal, pero dahil sa mga pagbabagong dala ng nakaraang pandemya, relasyon nila’y hind na rin nagtagal. At sa ikatlong pagkakataon, naulit ang kwento ng kahapon. Si Diana, muling binigyan ng engagement ring pero happy ending ay naging mailap pa rin.

Madilim man ang naging karanasan sa pag-ibig, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na may darating na tamang tao para muling kulayan ang kanyang daigdig.

Matinding bakbakan ng mga boses na palaban ang tampok sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” Prelims/Weekly Finals. Ang Top 5 natin sa araw na ‘to, handang ibigay ang lahat para sa patimpalak ay umangat.

Unang sumabak sa entablado ang pambato ng STI College-Lipa – Kyle Kuan na umawit ng “Binibini.” Buong puso rin na lumaban si Russel Roxas ng Cavite State University bitbit ang piyesang “She Used To Be Mine.” Ang ikatlong kalahok naman ay mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, si Jamela Monton na kumanta ng “Habang May Buhay.”

Pinabilib ni Janno Macalintal ng Colegio ng Lungsod ng Batangas ang mga ‘hurado’ sa pag-awit n’ya ng “Sa Kabillang Buhay.” Hindi rin nagpadaig ang golden tinig ni Seigfreid Caddauan ng St. Paul University Philippines-Tuguegarao, na kumanta ng “Kathang Isip.”

Sa huli, si Jamela ang nakakuha ng pinakamataas na grado mula kina ‘hurado’ Erik Santos, Klarisse de Guzman, at Dingdong Avanzado. Pasok na siya sa susunod na ‘Midterms’ round.

#ItsShowtime
#ShowtimeYourHappiness
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.