It’s Showtime July 31, 2024 | Full Episode

It’s Showtime July 31, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime July 31, 2024 | Full Episode
It’s Showtime July 31, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Huling araw na ng Hulyo kaya good vibes ay itotodo! Dito sa “It’s Showtime,” may tawanan, kantahan at papremyo. May bonus pang love lessons at ‘hugot’ fest. O, ‘di ba? ‘Showtime’ is the best!

FUNanghalian ay sinimulan with nakaka-GV na music from Darren Cashwell. Alam n’yo bang certified ‘Showtime’ babies sila? And they got their musical talent from their daddy, DJ MOD, na sobrang proud sa bagong achievement ng kanyang babies! Kwento ni Vice Ganda, all-out support si DJ MOD sa mga anak. Makipagkwentuhan na at maki-jam with the ‘Showtime’ fambam!

Makibirit na sa mga bulilit na may happiness na bitbit! All-girls ang “Karaokids” squad natin for today’s video–present sina Imogen, Briseis, at Enicka. Mahulaan kaya ang titles ng mga kanta nila?

Nahirapan man sa panghuhula, ang importante nag-enjoy ang ‘Showtime’ family at madla. Sa sobrang challenging ng guess-sing, hindi inakala nina Vhong Navarro at Ogie Alcasid na sila’y magwawagi.

Maki-‘marites’ muna sa kwento nina Kyle at Algin sa “EXpecially For You.” Dahil sa bawat revelation, may makukuha kang love wisdom at lesson.

Si Kyle, love language ang magbigay ng regalo. Pero quality time naman ang kay Algin. Magkaibang wika ng pag-ibig, nauwi sa di pagkakaunawaan. Si Kyle, nakulangan. Dumating daw sa puntong siya na lang ang nagbubuhos ng effort. Sa POV naman ni Algin, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya, ‘yun nga lang, hindi ito naging sapat para sa mahal niya/.

Sino ba ang naging mali? ‘Yung kinulang sa effort, o ‘yung hindi nakuntento? Ano bang mas problema? ‘Yung nagbibigay ka pero walang nakukuhang kapalit, o ‘yung wala ka lang talagang maibigay?

Mga estudyanteng panlaban ng dalawang paaralan sa kantahan, sumabak sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumalang sa entablado si Ivy Penano ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ang working student at cat mom, pinahanga ang lahat sa kanyang powerful rendition ng OPM classic na “Maging Sino Ka Man.”

Suportado ng mga magulang sa lahat ng contest na sinasalihan, all-out din ang support na nakuha ni Eros Manalastas sa tanghalan. Ang pambato ng Calawitan National High School, kinurot ang puso ng madla sa pag-awit ng “Kahit Isang Saglit.”

Pero matapos ang salpukan ng mga boses na palaban, si Ivy ang nanaig sa tanghalan. Pasok na siya sa ‘prelims’ o weekly finals.

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.