It’s Showtime July 23, 2024 Full Episode

It’s Showtime July 23, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime July 23, 2024 Full Episode
It’s Showtime July 23, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Madlang people, feel young and happy today! Hindi na kailangang hanapin ang fountain of youth. Dahil dito sa ‘Showtime,’ nadiskubre na namin ang mabisang pampabata. Laughter lang ang secret para problema at edad ay ma-forget.

Forever young din ang feels sa performance na hatid ng JMielle! Sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano, mas pinatamis pa ang mga kanta ng BINI na paborito n’yo.

May anti-aging effect ang good vibes na hatid ng “KaraoKids” – Imogen, Enicka, Kelsey at Jaze. Kahit minsan kanta nila’y mahirap ma-gets, hatid nilang ka-cute-an at energy ang kailangan mo para always feeling bagets.

For today’s Karaokids, ang magkakapares: Ogie Alcasid at Teddy Corpuz, Kim Chiu at Vice Ganda, Jhong Hilario at Jugs Jugueta, at ang guest players JM dela Cerna at Marielle Montellano. Si Vhong Navarro, pabirong hiniritan ang ka-partner na si Ryan Bang matapos nitong mahulaan ang kanta ni Yeng Constantino.

‘Pag bisyo ang kalaban, mahirap nang ipanalo ang pagmamahal na inalagaan. ‘Yan ang kwento ni Joyce, ang searcher for today’s “EXpecially For You.”

LDR ay kinaya ni Joyce at ng ex niya. Pero kung kailan sila nagpasyang mag-live in, saka naman dumating ang mga problema. Si ‘ex,’ nalulong sa sugal at pera ni Joyce ang ginagastos niya sa bisyo dahil si Joyce ang ‘breadwinner’ sa kanilang dalawa. Dumating pa sa punto na si ex ay humihingi na rin ng pera sa mga magulang ni Joyce. Sa kabila ng pagkalulong sa sugal at sa minsang nagdala ito ng ibang babae, si Joyce pa rin ang ayaw bumitaw. Sa loob ng siyam na taon, siya pa rin ang paulit-ulit na nagmakaawa, hoping na maaayos pa ang relasyon na ayaw n’yang mawala.

Mabuti na lamang ay nagising siya sa katotohanan na ang lalaking gusto niyang makasama hanggang pagtanda ay hindi sa kanyan nakatadhana. Hindi man sila nagtapos sa ‘forever,’ nakahanap naman si Joyce ng best sister – si Jhovy, ang kapatid ng kanyang ex-boyfriend.

Nagningning ang entablado para sa dalawang estudyanteng may natatanging talento dito sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Performance ni Justin Reolada, alay n’ya sa namayapang ama. Hindi lang magulang at pamilya ang proud sa kanya, for sure, ang STI Colleges-Sta. Cruz Laguna ay masaya sa pag-awit niya ng “Lay Me Down.” At sa pagpatak ng luha niya, ‘Showtime’ family ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya. Maging si ‘hurado’ Ogie Alcasid ay binigyan siya ng words of encouragement.

Bumuhos din ang emosyon ni Christian Pasana ng University of Pangasinan dahil ang piyesa niyang “Buwan” ay alay naman niya sa pinakamamahal na lola at tita. Sa huli, si Christian ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie, Erik Santos, at Marco Sison.

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.