It’s Showtime July 10, 2024 Full Episode

It’s Showtime July 10, 2024 Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime July 10, 2024 Full Episode
It’s Showtime July 10, 2024 Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Kalagitnaan na ng linggo! Paubos na ba ang energy n’yo? Kung kailangan nang mag-recharge, maki-jam na muna with December Avenue. Bukod sa chill na kantahan, may hatid silang good news especially for you.

Nakaka-good vibes din ‘pag confident ka with your OOTD. Look at Amy Perez na so youthful ang awra with her outfit na ang lakas maka-BINI. Rampa mo na ‘yan, Tiyang Amy!

Ang outfit naman ni Karylle ay inspired by her character in her theatrical play with Nyoy Volante. Sobrang husay ni Karylle sa kanyang new role, kaya proud na proud sa kanya ang ‘Showtime’ family.

Bigay na bigay sa akting ang mga cutie chikitings na sina Jaze, Kulot, Imogen, at Kelsey, mapa-drama, o action man ‘yan, o comedy.

Kaya naman serious din ang pagsagot ng magkakapares for today’s “Showing Bulilit.” Ginalingan nina Kim Chiu at Cianne Dominguez sa first round. Pero pagdating ng jackpot round, mukhang nag-struggle ang magka-tandem. Ingat din sa mga sagot na ibinubulong ng iba, hindi kayo sure kung tama ‘yan at marami nang nabudol d’yan!

Sa “EXpecially For You,” ‘di napigilan ni Bianca ang pagpatak ng mga luha nang makaharap ang ex n’yang si Mon. Mga ala-ala’y nagbalik. Pero bakit nga ba pitong taon nilang pagmamahalan ay nauwi sa hiwalayan.

Para kina Bianca at Mon, espesyal ang kanilang naging pagsasama dahil ramdam nila ang pagiging mabait, malambing, at maalaga ng isa’t-isa. Dagdag pa ang maayos na relasyon nila sa mga pamilya nilang dalawa.

Pero hindi alam ng lahat, matagal palang tiniis ni Bianca ang pagiging mabarkada ni Mon, Halos wala nang oras sa kanya ang nobyo dahil mas inuuna nito ang bonding kasama ang tropa.

Galingan sa kantahan – ‘yan ang assignment ng dalawang estudyanteng sumabak sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Bitbit ang pangarap at pagmamahal sa pamilya, kumasa sa hamon ng entablado si John Will Borja, ang pambato ng Zamboanga Del Norte National High School na umawit ng “Esperanza.”

Fierce ang atake ni Cebu Mary Immaculate College student Abby Samson sa pagkanta ng “River.” Bukod sa golden tinig, panlaban din ni Abby ang charisma niya on stage.

Samantala, excited na binati ni Ryan Bang si ‘hurado’ Marco Sison na nagdiriwang ng kaarawan. Hirit ni Ryan kay hurado Marco, baka naman daw pwedeng maka-request ng kanta sa kasal niya.

Punuin na ang ‘good vibes’ tank n’yo kasama ang ‘Showtime’ family!

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.