It’s Showtime August 5, 2024 | Full Episode

It’s Showtime August 5, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime August 5, 2024 | Full Episode
It’s Showtime August 5, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Lunes na puno ng tawanan, good vibes at surprises ang hatid ng ‘Showtime’ family. Simulan ang brand new week with an energetic kantahan kasama ang P-Pop girl group na Calista.

Bumisita rin ang lovebirds na sina RK Bagatsing at Jane Oineza na may hatid ng magandang balita para sa madla. Feel the kilig with RKane on “It’s Showtime”!

Pang-GOLD ang energy ng lahat. Dito sa “It’s Showtime,” sama-sama tayo sa tagumpay! Isang masayang pagbati rin ang ipinaabot ng ‘Showtime’ family sa ating Olympics double gold medalist, Carlos Yulo.

Acting ng mga bagets ang basehan para makapuntos sa hulaan. Ang masasayang tagpo sa “Showing Bulilit,” hindi mo pagsasawaang panoorin nang paulit-ulit.

Basta cuteness, bida sina Argus, Kulot, Kelsey at Jaze. Syempre, bida rin sila sa aktingan – future superstars kaya ang mga ‘yan! Anuman ang genre, mapa-Pinoy movie at teleserye, o kahit pa nga K-Drama, siguradong pang-box office ang performance nila.

Bigay-todo rin ang performance ng ‘Showtime’ family sa hulaan. Huy, laro lang ‘to! Walang personalan. Sina Vice Ganda at Ion Perez, ‘nagtalo’ dahil sa pelikulang “Kailangan Kita.” May ibang tandems na muntik nang pumuntos kaso sumablay nang kaunti. Dadahan-dahan lang kasi sa pagbigkas para ang score ay ‘di makatakas.

May favoritism pa rin ba ‘yung buzzer? Mukhang ‘di na sila magkakasundo ni Vice forever. Sina Vice at MC, nakipagpalit ng pwesto, at akalain mong sila pa ang nanalo sa dulo.

Sa “EXpecially For You,” ang madlang people, may intense reactions. For sure maiinit din ang revelations!

Mga bata pa lang sila, minahal na ni Karl si Mae. Pasimple silang nagligawan. Pero ang kanilang pagtatago, nabuko, dahilan para sila ay piliting magkalayo. Mga araw at buwan ay lumipas, naisip ni Karl na baka pwede na, at pwede pa. Pero may pumipigil sa kanya. Si Karl, nawalan ng kumpiyansa dahil sa severe breakouts niya. Aminado rin kasi si Mae na hindi niya masyadong bet ang physical looks ni Karl.

Nawala ang mga taghiyawat. Puso’y hindi na nagpaawat. Pero ang tamis ay umalat dahil si Mae ay tinulak si Karl palayo at nagkaroon ng ibang nobyo. Pero nang dumaan sa breakup, si Karl naman ang kanyang hinanap. Rebound ba ang ganap? Madlang people, anong say n’yo?

Sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” matapang na tinanggap ni Angel Andal ang hamon ng entablado para ipamalas ang kanyang greatest performance. Our Lady of Peace School ang kanyang pamantasan. “Leaves” naman ang kanyang piyesa sa tanghalan.

Maliit man sa inyong paningin, talento niya’y hindi dapat maliitin. Si R-Jay Caruru, ang helpful son at diligent student ng Ubay National High School, hinarana ang madla sa awiting “Sana’y Magbalik.”

Matapos ang salpukan ng mga boses na pangmalakasan, si Angel ang umangat at nakasungkit ng golden mikropono.

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.