It’s Showtime August 22, 2024 | Full Episode

It’s Showtime August 22, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime August 22, 2024 | Full Episode
It’s Showtime August 22, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Eyy ka muna! Eyy! Ang ‘Showtime’ family, nag-flex ng kanilang rap skills dahil sa bisita na on fire ang pagiging musikata. Magaling sa musika, at may dugong makata? ‘Yan si J-Rose! Performance niya sa “It’s Showtime” stage, deserve ang malakas na applause.

Yo! Yo! Yo! Kanta niyang “Hangarin,” ano ba ang kwento? Mga salita’y sa kanyang Ina alay. Hangarin niya’y handugan siya ng pagmamahal at tagumpay.

Samantala, may sinabi si MC. Ano ‘yun? At bakit naluha si J-Rose?

Naluha si Kim Chiu nang ibahagi ang karanasan sa pamimigay ng biyaya sa random madlang people. Pero hindi dahil may pa-blessing ay ligtas na ang lahat sa FUNishment sa “Bata Bata Pick.”

Sinimulan ni Ryan Bang ang katuwaan. Pangalan ni Lassy ang nakuha niya sa bunutan. Magtagumpay kaya ang bata nila? O si Lassy ay makakatanggap ng parusa?

Darren Espanto, ikaw ang alay for today’s video! Sinubukan pang suhulan ng chocolate si Kelsey para ma-motivate. Pero mukhang mas malakas ang panalangin ni ‘bestie’ Kim Chiu niya na sana ay makatikim siya ng parusa. Ang ending, si Darren, nag-tunog aso at kailangan niyang panindigan ang parusa haggang matapos ang show

Hindi rin nagwagi ang bata nina Jackie Gonzaga at Jugs Jugueta. ‘Yung FUNishment: OOTD swap! Si Jugs, nag-crop top!

Parang pelikula ang kwento ng pag-ibig ni Rosita. Deserve ng re-enactment para mas ramdam ang kwento! Panoorin ang masayang episode ng “EXpecially For You!”

Si Rosita, ligawin noong kabataan. At may isang lalaki na sa puso niya’y bumihag. Matapos ang dalawang buwan ng suyuan at konting pagpapakipot, manliligaw niya’y sinagot. Pero hindi puro rosas ang pag-ibig. Dahil si ‘ex’ ay may bisyo sa pag-inom, dahilan para si Rosita ay mag-alsa balutan. Ilang taon din silang nagkahiwalay ni husband. Pero nang malaman niyang si husband ay may sakit, umuwi siya para iparamdam ang kanyang pag-aalaga at malasakit. Silang dalawa pa rin ang magkasama hanggang sa dulo ng buhay ng mahal na asawa.

Ilang taon na rin naman siyang biyuda. Pwede nang maghanap ng bagong kakilala. Puso’y muling tumibok sa isang taong nakilala sa dating app. Pero relationship nila’y hindi nag-work, dahil sa ‘extracurricular’ activities ni ex.

Kaya naman, heto si Rosita, kasama si BFF Lucita, kikilatis ng mga searchees na pwedeng makasungkit ng puso niya.

Talento sa singing ay nagningning. Tunghayan ang matinding salpukan ng boses sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumabak sa entablado ang pambato ng University of St. La Salle. Chill lang ang atake ng acoustic singer na si Daphne Bonotano sa pagkanta ng “A Thousand Miles.” Ang sikereto raw sa magandang boses ni Daphne: kape! Si hurado Bituin Escalante, na-impress sa runs and unique rendition ni Daphne.

Hindi naman nagpakabog si Mark Jason Laguerta ng Governor Mariano E. Villafuerte Community College na umawit ng “’Wag Ka Nang Umiyak.” Ang parlorista, break muna sa paggamit ng gunting, dahil today, magpapabilib muna siya sa singing.

Bukod sa performances ng contenders, inabangan din ng lahat ang komento ni hurado Darren, na tuloy ang FUNishment na magsalita habang tunog aso! Tuwang-tuwa si Kim sa FUNishment ni Darren. Naku, Kimmy, lagot ka ‘pag si bestie mo’y gumanti! Alamin din ang komento ni Ogie.

Sa huli, si Daphne ang nakakuha ng mas mataas na grado!

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp
#ShowtimeVeryCutesy

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.