It’s Showtime August 21, 2024 | Full Episode

It’s Showtime August 21, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime August 21, 2024 | Full Episode
It’s Showtime August 21, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Ilang linggo na lang, “Magpasikat 2024” na. Kaya ba ang ‘Showtime’ family ay unti-unti nang nakukumpleto? Welcome back, Karylle! We missed you for real!

But, today, Kapamilya at Kapuso divas muna ang magpapasikat at magsasanib-pwersa sa “It’s Showtime” stage. Performance to the highest level ang pagpapasikat nina Lyka Estrella, Rea Gen Villareal, Marianne Osabel, at Hannah Precillas.

Mga cutie chikiting, nagpasikat sa Showting Bulilit. Ano’ng movie scenes kaya ang gagayahin nina Argus, Imogen, Kulot, Kelsey at Jaze?

This fun Miyerkules, ang magkakapares: Darren Espanto at Ion Perez, Ogie Alcasid at Lassy, Vhong Navarro at Ryan Bang, Kim Chiu at Teddy Corpuz, Jhong Hilario at Karylle, Jugs Jugueta at Bela Padilla.

‘Di pa man nagsisimula ang hulaan, suko na si Bela sa laban. ‘Di ba nakaka-bitter ‘pag pumindot ka pero hindi tumunog ‘yung buzzer? Sa isang round naman, walang gustong pumindot para si Kim lang ang sasagot. Bakit?!

Sina Lassy at Ogie, mukhang na-e-enjoy na ang tandem nila, na tinawag nilang LassOg. ‘Pag Showtime family ang kasama sa pananghalian, sa tawanan ika’y busog!

Mala-rom-com na eksena nina Thyrone at Christine, nauwi sa sad ending. Alamin ang kanilang kwento sa “EXpecially For You.”

Love story nila’y umikot sa digital space, lalo na no’ng nagsimula ang pandemya. Via video call nga lang sinagot ni Christine si Thyrone. Tumagal naman ng tatlong taon ang kanilang relasyon. Pero nang maranasan ni Christine ang excitement sa labas ng kanilang sariling mundo, napag-iwanan ang kanyang nobyo.

Natutunan ni Christine na gumimik madalas, kaya nawalan ng time kay Thyrone na walang hilig lumabas. Dito nila nakita ang pagkakaiba ng kanilang mga gusto at pagkatao. Mas mabuti nang pakawalan ang isa’t-isa dahil ang tamis ng pag-ibig ay unti-unting naglaho.

Sino kaya sa tatlong pretty girls ang mapupusuan ni searcher Thyrone?

Dalawang estudyante naman ang nagpasikat sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nagpamalas ng galing ang pet lover at best singer ng Batangas State University, Bernadette Pacheco. Nauwi sa “Cool Off” ang usapan dahil sa pinili niyang kanta ni Yeng Constantino. Para kay hurado Nyoy Volante, dama ang hapdi sa theatrical singing style ni Bernadette.

On the way to earning his PhD si ‘Sir’ Angelo Edeleon ng Universidad De Dagupan. Pero break muna siya sa klase para magpakita ng talento sa tanghalan. Hindi lang boses ang kahanga-hanga sa kanya kundi ang malaking puso bilang breadwinner ng family. Kabado man sa simula, pinuri pa rin ni hurado Darren ang magandang low notes ni Angelo.

Payo naman ni Punong Hurado Ogie kay Bernadette, huwag isakripisyo ang vocal quality sa emosyon. At kay Angelo, mas i-explore pa ang ballad songs.

Sa dulo, si Bernadette ang hinirang na panalo. Pasok na siya sa Prelims sa Sabado.

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp
#ShowtimeHappyForU

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.