It’s Showtime August 20, 2024 | Full Episode

It’s Showtime August 20, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime August 20, 2024 | Full Episode
It’s Showtime August 20, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Sumisilip na ang ‘ber’ months. Ramdam mo na ba ang excitement? Kung feeling alone ka sa parating na malamig na panahon, huwag mag-alala dahil ‘Showtime’ family na ang bahala.

Si Alexa Ilacad na kay fresh at ganda, ipapa-feel ang love sa kanyang pagkanta. “Kung Naging Tayo,” birit n’ya. Pero hirit ni Alexa, hindi siya naka-relate sa single niya about what-ifs. Dahil siya ‘yung tipo na nagte-take ng risks. “Do it scared,” saad niya.

“FUNishment,” sigaw ng ‘Showtime’ family ‘pag nabubunot ‘yung bet nilang maging alay. Oops! Be careful what you wish for! Pero okay lang kung maparusahan–all in the name of fun. Make sure na pambato mo ay matinik sa “Bata Bata Pick.”

It’s Imogen versus Enicka sa first round. Tama kaya ang diskarte ni player Teddy Corpuz? O mapapahamak ang alay niyang si Jackie Gonzaga?

Kelsey at Jaze, nagharap sa isang challenge! Naku! Bata ni Kim Chiu, natalo! Napa-‘Take Your Shirt Off’ tuloy si Ryan Bang. Ay! Na-miss natin ‘yan!

Tuwang-tuwa naman si Vice Ganda nang si Ogie Alcasid ang mabunot n’ya. “FUNishment,” cheer ng lahat. Ayun! Kapalaran ni Ogie ay inalat!

Sa “EXpecially For You,” nakilala natin si Ky. Sa barko sumasakay. Sa pag-ibig, sumablay. Kasama si Cheng, her best friend, ikinuwento niya ang past relationship kung paano nagsimula at nag-end.

Ang unang kabanata sa kwento niya ay tungkol sa kanyang pamilya. Dumaan sila sa maraming ‘di pagkakaunawaan. Pamilya niya’y halos tinalikuran. Si Meme Vice, may magandang payo na binitawan, at siguradong si Ky ay naliwanagan.

All her life, she felt alone. Kaya nang dumating si guy, buong-pusong nagmahal si Ky. For the first time, ramdam niyang may tumanggap at nagmahal sa kanya. Pero si bf, hindi pala totoo ang mga ipinakita. Si Ky, ilang beses niloko nang sumampa sa barko. Nand’yan naman si Cheng para magpaalala at turuan siyang bumitaw na. Pero ang pusong nagmamahal, sadyang palaban. Maraming beses ang panloloko, maraming beses din nagkabalikan. Ano ang nag-udyok kay Ky para tuluyang mag-let go?

Samantala, kinilig ang madla nang bumukas ang mga kurtina at makilala ang tatlong searchees. Puso ni Ky ay kanilang bibihagin! Pansin ni Meme Vice, si Ogie daw mukhang kinilig din!

Mga golen tinig ang narinig. Bitbit ang bandera ng kanilang pamantasan, dalawang estudyante ang kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Si Hope Sebial ng Talisay City National High School, rest day muna sa choir duties dahil ilalaan niya muna ang talento sa tanghalan. “Ikaw Ay Ako,” birit niya sa entablado.

Mula naman sa Bataan Peninsula State University, si Rovie Joseph Ulanday, break muna sa pagtitinda ng burger. Sa TNT, susubukan niyang maging winner. Puso ng madla ay kiniliti sa pag-awit ng “Huling Sandali.” Tapos na ang performance, bakit kabado pa rin si Rovie? Ahh! Dahil nand’yan ang crush niya, si Kimmy!

Matapos ang labanan ng boses, si Hope ang pinakapasado kina hurado Mark Bautista, Nyoy Volante, at Nonoy Zuniga.

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.