It’s Showtime August 2, 2024 | Full Episode

It’s Showtime August 2, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime August 2, 2024 | Full Episode
It’s Showtime August 2, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
May nagpaparamdam na! Whene– teka, teka, bago ‘yan, weekend muna ang magpaparamdam! Winner ang Friday dahil ‘Showtime’ family ang kasama n’yong mag-chill today. Kantahan muna with Gen Z vibe kasama sina Fana, Tiara Shaye, at Jeremy G.

Oh, no! Ang ‘Showtime’ family, mukhang hindi sinwerte dahil sunod-sunod ang mga parusa nila sa ‘Bata Bata Pick.’ Sa sobrang intense, may nahuhulog at natutumba pa nga! Kalma lang, guys! Magtiwala sa mga ‘bata’ n’yo – sina Imogen Kelsey, Briseis, at Jaze. Nasubukan ang galing nila sa pagbuo ng pyramid, long jump at shooting rings.

Si ‘Kuys’ Ion Perez, tanggal ang angas sa FUNishment niyang sumayaw ng isang TikTok trend. Mukhang na-enjoy naman ni Jackie Gonzaga ang parusa niya – pakantahin ba naman. Aba, si Ate Girl, hindi ‘yan uurungan. But, the twist is kailangan niyang mag-boses pusa.

Napa-‘hello’ naman si Ryan Bang sa kanyang future mother-in-law. Sana hindi raw magbago ang love sa kanya ni mother ‘pag nakita siyang suot-suot ang isang mouthguard habang kumakanta ng “Hawak Kamay.”

Pero hindi rin naman bokya ang madlang people na may 10, 000 pesos na paghahati-hatian!

Wala pa ang Pasko pero may nag-‘exchange gift’ na! Si Mommy Jennifer, ibinahagi ang kwentong pag-ibig sa “EXpecially For You” kasama ang anak na si Bebe Oh!

Punta tayo sa exciting part – ‘chismisan’ about matters of the heart. Si Mommy Jennifer, may unang kinakasama, ‘yun ay ang ama ni Bebe Oh. Pero si daddy, nagkaroon ng affair sa isang babaeng committed na rin pala. So, eto na nga! Ang partner ni ‘other woman,’ lumapit kay Jennifer at inalok ito ng isang revenge game plan. Why not sila naman daw ang maging mag-on para asarin ang mga ex-partners nilang cheaters.

Ang nagsimula sa isang ‘ganti’ lang, nauwi sa totohanan. True love ang tumama kina Mommy Jennifer and her new partner, at nauwi pa nga sa kasalan ang kanilang road to happily ever after. Pero mukhang mailap talaga ang forever. Dahil si Mommy Jennifer, nabiyuda, iininda ngayon ang sakit na mabuhay nang mag-isa.

Wala namang masama kung susubok muli. Malay natin, isa sa tatlong searchees ang makapagbibigay sa kanya ng tunay at matamis na ngiti.

Dalawang masisipag na mag-aaral, bigay-todo sa pagtatanghal. Catch up na sa naging bakbakan ng mga boses na pangmalakasan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showown.”

Unang sumabak sa entablado ang working student at choir member na si Eduard de Leon ng College of Our Lady of Mercy of Pulilan Foundation, Inc. Saksak-puso niyang performance ng “Hindi Tayo Pwede” ay hindi mo pagsasawaan.

Ang creative fashionista ng University of the East Caloocan, irarampa na ang kanyang passion for singing. Si Francine Mae Bendol, hinarana ang madla sa awiting “Traitor.”

Dahil sa malalalim na hugot sa entablado, natanong sina Eduard at Francine tungkol sa kanilang love life. Si Vice Ganda at ‘Showtime’ family, pursigidong maghanap ng mga sasalang sa “EXpecially For You.” Hmmm. Baka game kayo Eduard at Francine?

Matapos ang laban, si Eduard ang nakakuha ng mas mataaas na grado mula kina hurado Nyoy Volante, Louie Ocampo, at Dingdong Avanzado.

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.