It’s Showtime August 15, 2024 | Full Episode

It’s Showtime August 15, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime August 15, 2024 | Full Episode
It’s Showtime August 15, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Say goodbye sa mga bagay na nagdudulot sa’yo ng sadness at stress. Mag-hello naman sa ‘Showtime’ family na maaasahan sa paghahatid ng good vibes at happiness.

Expert din sa pagpapasaya ang ating mga espesyal na bisita–Drag Queens Precious Paula Nicole, Vinas Deluxe, at Brigiding. Ang trio known as Divine Divas, may divine sample ng new single nila. Glowing ang mga reyna! Ano kaya ang self-care routine nila?
Catch up na sa masasayang eksena sa “It’s Showtime” and get ready sa endless tawanan at sorpresa! Laugh and slay, madlang people!

Mukhang nagpahinga muna ang lucky stars ng ‘Showtime’ hosts. Dahil hindi sila nakaligtas sa mga FUNishment for today’s “Bata-Bata Pick.” Ready na ba sa todo-todong laughtrip?
Game face on ang Showtime kids–Argus, Imogen, Kelsey at Jaze. Pero umpisa pa lang, lahat ay kabado na! Tama ba si Vhong Navarro na pillin si Imogen over Jaze? O kay Ryan Bang na ‘alay’ na naman tatapat ang parusa?

Ni-level up pa ang excitement at saya nang si Jhong Hilario, nabunot bilang ‘alay’ si Vice Ganda. Nagkataon o sinadya? Kandilang napatay ni Kelsey ay mas marami kaysa kay Argus. Kaya ang round na ‘to, sa parusa magtatapos. Heto na ang exciting part! Ang FUNishment ni Vice Ganda: ipakita sa madla ang kili-kili n’ya!

Sobrang tuwang-tuwa si Jugs Jugueta, walang kamalay-malay na siya ang susunod na makakatikim ng parusa. Presenting… Jugs in his TikTokerist era!
Ang relasyon na puno ng sikreto, magtatapos sa isang malungkot na kwento. Maki-hugot with Emy and Mackie sa “EXpecially For You.”

Pag-ibig na nagsimula noong kabataan, walang kasintamis, parang walang hangganan. Dinadala ka sa alapaap, o para bang sa paraiso na walang problema. Wala ibang tao kundi kayong dalawa. Pero sa sariling mundo nina Emy at Mackie, may umeksena. Ang ex ni Mackie, biglang lumitaw para makipagbalikan daw.

Naayos naman ang gulo with Mackie’s other ex-girlfriend, pero hindi ‘yung issue about Mackie being somebody else’s ‘comforter.’ Si Mackie, naging shoulder to cry on ng ibang girl, dahilan para si Emy ay magselos at i-give up ang pangarap nilang ‘forever.’

Aminadong mga bata pa mag-isip noon kaya hindi na-handle ang relasyon. But now that they’re mature, si Emy, ready na for a new love adventure.

Mga golden tinig ay nagningning sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Isang inspiring at relaxing harana ang regalo ni Jejuara Tiplan ng Pamantasan ng Cabuyao na umawit ng “Ako Naman Muna.” Si Jejuara, isang student leader, at umeekstra rin bilang barista. Saktong-sakto rin ba ang timpla ng performance niya?

Hindi naman magpapakabog ang pambato ng Technological University of the Philippines, si Mahalia Nalla na napili ang “Di Na Muli” bilang piyesa. Tulad ni Jejuara, nagsisikap din si Mahalia sa kanyang pag-aaral. Kaunting tiyaga na lang ay matatapos na niya ang kursong Architecture.
Pero, journey ni Mahalia sa tanghalan ay maagang natapos. Dahil ang kalaban niyang si Jejuara ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nonoy Zuniga, Bituin Escalante, at Marco Sison.

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.