It’s Showtime August 14, 2024 | Full Episode

It’s Showtime August 14, 2024 | Full Episode

HomeABS-CBN It's ShowtimeIt’s Showtime August 14, 2024 | Full Episode
It’s Showtime August 14, 2024 | Full Episode
ChannelPublish DateThumbnail & View CountDownload Video
Channel AvatarPublish Date not found Thumbnail
0 Views
Gising na gising ang diwa ng lahat parang nakapag-kape. Hot or iced ba ‘yan? Dagdagan pa natin ng extra shot of good vibes kape-ling ang ‘Showtime’ family.

Kung bet mo namang mas patamisin pa ang timpla ng araw mo, ‘eto ang isang kanta for you! Ang cutie members ng P-Pop group “Yes My Love,” bumista, may dalang matamis na harana. Sina Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga, napa-‘yes, my love’ sa tanong ng grupo. Siguradong mapapa-yes ka rin sa kilig na hatid nina Joshua, Brian, Jeff, RZ, at Niko.

Galingan sa pagpili ng bata mo para FUNishment ay lumayo sa’yo! Nagkagulo ang Showtime family–kabado na baka mabunot bilang alay. Dahil kung bata nila ay sasablay, may parusang naghihintay. Sino kina Kelsey, Imogen, Kulot at Jaze ang magiging MVP ngayong araw sa “Bata Bata Pick?” At sino naman sa Showtime hosts ang haharap sa FUNishment? Naku, lagot!

Unang nabunot si Ion Perez with Jackie as his ‘alay.’ Oks na si Ryan Bang sa pagiging player, with Cianne as his partner. Makapigil-hininga naman ang pagpili ni Jhong Hilario kay Jugs Jugueta bilang ka-tandem niya.

Panoorin kung pa’no sila pinakaba ng mga bata nila! Samantala, si Ryan ang nabunot bilang special alay for today’s video. Kaya naman naparusahan ang mahal nating Koreano–isang tongue twister ang kailangan niyang i-deliver. Of course, ang catch, dapat hindi mabulol. Pati si Ryan halos mapatanong: is that even possible?

Nagsimula as followers, naging lovers. Pero bumalik muli sa pagiging strangers. Alamin ang kwento ng mga batang puso nina Kirsten at Jared sa “EXpecially For You.”

Simula pa lang ay tinamaan na si Jared sa kagandahan ni Kirsten. Kaya nang makita niya ang social media account nito, agad siyang napa-follow. Matamis ang mga tagpo. Si Jared, may mga cute efforts para kay Kirsten katulad ng paggawa ng paper flowers.

Pero naging mailap pa rin ang ‘forever’ dahil sa tropa ni Jared na ‘red flag’ ang tingin kay Kirsten. Ang issue pa, ‘pag si Jared ang nagkwento sa tropa niya, bakit parang siya ‘yung biktima? Na-offend tuloy si Kirsten at tuluyang nanlamig. Sa huli, tropa ni Jared ang nanaig.

Relate ba kayo sa kanilang kwento? Sino naman kay sa tatlong searchees ang mapupusuan ni Kirsten?

Dalawang beautiful students na talented din sa singing ang nagpakita ng galing sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

“Bukas Na Lang Kita Mamahalin,” birit ni Reb Quinicot ng Villaflores College na tinuruan pa si Jackie kung paano mag-vocal warm up bago ang isang performance. Practice lang Ryang bakit naman na-gong agad?

“Isa Pang Araw,” hiling ni Sofia Santos ng Baliuag University sa entablado. Ang 16-year-old dreamer, sobrang busy sa pag-aaral at mga raket para makatulong sa gastusin ng pamilya. Tanong tuloy ni Teddy Corpuz sa sarili, “Ano’ng ginagawa ko no’ng 16 years old ako?” Si Ion daw, bata pa lang ay busy na sa paglilingkod sa mga kababayaan bilang SK officer.

Sa huli, si Sofia ang nakakuha ng mas mataas na grado, 94%, mula kina hurado Nonoy Zuniga, Marco Sison, at Dingdong Avanzado. Pasok na siya sa Prelims o weekly finals sa Sabado.

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Please take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.